China, tiwalang maaayos ang gusot sa Scarborough

MALAKI ang tiwala ng China na magkakaroon ng magandang solusyon ang sigalot sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Ipinahayag ni Ministry of Foreign Affairs Director General Deng Zhonghua, may 1,000 rason para panatilihin ang magandang ugnayan ng
China at Pilipinas.

Ayon pa sa opisyal, hindi madudungisan ang malalim na pagkakaibigan ng China at Pilipinas lalo na sa kasaysayan at kultura.

Dahil dito, ikinatuwa ng Malakanyang ang pagtiyak ng China na walang giyera na magaganap sa harap ng sigalot sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nagkasundo ang Pilpinas at China na resolbahin sa diplomatikong pamamaraan ang gusot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply