China vs Pinas: 72-hour worship isasagawa

NAKATAKDANG magsagawa ng 72-hour worship, warfare, intercession (WWI) ang Intercessors for the Philippines (IFP) kaugnay sa namumuong tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas na magsisimula sa Mayo 17 habang isasagawa ang culmination sa Mayo 19 sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Dadaluhan ang naturang 72-hour worship ng mga mananampalataya sa iba’t ibang dako ng bansa kabilang na ang Nameless, Faceless Servant (NFS), Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) at iba pang mga grupo na magsisimula bandang 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Ayon kay Bishop Daniel Balais, IFP chairman at senior pastor ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) Church, magsasama-sama ang mga mananampalataya sa Pilipinas upang magpuri sa Diyos at makipaglaban, sa pamamagitan ng pananalangin at pagpupuri sa Diyos, bunsod sa nagaganap na pananakot ng China sa ating bansa.

Kamakailan lamang, nagpadala ang China ng 23 warship na barko para bantayan ang Spratly Islands simula nang hulihin ng Philippine Navy ang ilang mga Chinese na mangingisda lulan sa dalawang fishing boats na nanghuli ng pating, mga higanteng clams at corals sa may Panatag Island o Scarborough Shoal malapit sa karagatan ng Zambales.

Nagkaroon ng girian ang bansang China at Pilipinas makaraang ihayag ng Tsina na pag-aari nila ang naturang lugar at hindi ng Pilipinas.

Ayon pa kay Balais, hindi kayang makidigma ng bansa sa China dahil mayroon silang “steel industry” na gumagawa ng kanilang mandirigmang barko, jet fighters, weapons of mass destruction, at iba pang mga sandata.

Dagdag pa niya, ang China ay may 1.4 billion populasyon at ang army nito ay tinatayang nasa 300 million hanggang 500 million kung imposibleng makipagsabayan ang ating bansa sa pakikidigma.

“Alam nating na ang Spratly Islands ay pag-aaari ng Philippines batay na rin sa geography at sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS), gayon din sa kasaysayan,” ayon kay Balais.

“Wala tayong “warships” subalit mayroon tayong “worships” kung saan ang tiwala natin ay nasa Diyos, na lumalang sa langit at lupa at sa lahat ng mga bagay nito nakikita o di nakikita, lamang. Atin ang Spratly Islands na ito.”

“Ang pakipagdigma ay sa Diyos at hindi ito sa atin. Hindi din ito nakukuha gamit ang lakas o kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng Espiritu ng Diyos kapag tayo ay sumasamba, nakikibaka at namamagitan,” sambit pa ni Balais.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply