Chinese national huli sa 100 gramo ng shabu

ARESTADO ang 40-anyos na negosyanteng Chinese ng elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng 100 gramo ng shabu sa isang undercover agent.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang suspek na si Chua Kian Cheng, alyas A-Pe Chua, may-ari ng food manufacturing business sa Sta. Maria Bulacan na gumagawa ng “nata de coco.”

Aminado si Chua na taga-Xiamen, China siya at hawak lamang niya ay tourist visa na nire-renew niya tuwing ika-tatlong buwan at may dalawa at kalahating taon na siyang namamalagi sa Pilipinas.

Nauna rito, sa tulong ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA laban kay Chua matapos makipagkasundo sa halagang P400,000 bentahan ng shabu sa poseur-buyer sa operasyon sa kahabaan ng Balasing Street, Pulong Buhangin, Sta. Maria Bulacan.

Nakuha kay Chua ang 100 gramo ng shabu, bahagi lamang ng tig-5 kilo ng shabu na nakatakda sana sa isang malaking transaksyon.

Nabatid na si Chua ay miyembro ng Li-Chua Drug Group na matagal na ring sinusubaybayan ng PDEA.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply