Chinese national tumalon mula sa ika-anim na palapag ng hospital

HALOS magkabali-bali ang mga buto ng isang Chinese national matapos na  tumalon sa ika-anim na palapag ng kilalang ospital sa  Malate, Maynila kaninang  umaga (Mayo 27).

Nakilala ang biktimang si Lucing Lim ng 1789-H Concepion Aguila St., San Miguel, Manila.

Sa report  ni  SPO1  Charles Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 5:20 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng Manila Doctors Hospital sa 667 U. N. Ave., Malate, Maynila.

Ayon kay Armita Linaban, emergency clerk ng nasabing ospital, kasalukuyang siyang nagwi-withdraw  sa ATM booth sa harapan ng nasabing ospital nang nakarinig siya ng malakas na pagbasak at nang kanyang tignan ay nakita ang katawan ng biktima na nakahandusay sa semento.

Tinawag niya ang ilang kasamahan sa ER at isinugod sa loob subalit idineklarang patay ang biktima dakong 5:27 ng umaga.

Nabatid na ang biktima ay pasyente ng ospital simula pa noong April 2, 2012 dahil sa sakit na cancer.

Minabuti naman ng kaanak ng bitkima na huwag nang isailalim pa sa imbestiagsyon ang pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply