300 Chinese students pinigilang mag-aral sa Palawan State U

PINIGILAN ng bansang China ang 300 Chinese students na mag-enroll sa Palawan State University ngayong pasukan.

Base sa pahayag ni Palawan State University President Jeter Sespeñe, umatras ang nasabing mga Chinese student na nakatakda sanang mag-enroll para sa pasukan ngayong Hunyo.

Itinuturo ni Sespeñe ang kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas dahil sa pag-aagawan ng Scarborough Shoal ang siyang dahilan kung kaya pinigilan ng Chinese government na mag-aral ang mga naturang estudyanteng sa nasabing paaralan.

Sa kabila nito, sinabi naman ng pamunuan ng unibersidad na bukas pa rin sila sa pagtanggap ng mga Chinese student sakaling magbago na ang sitwasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply