CJ Corona ‘di magre-resign sa puwesto

MARIING nanindigan ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na walang katotohanan ang napa-ulat na magbibitiw sa puwesto ang Punong Mahistrado sa pagharap sa witness stand mamayang hapon.

Binigyang diin  ni Atty. Tranquil Salvador, isa sa mga abogado ni Corona na hindi mangyayari ang inaasahan ng ibang posibleng pagbibitiw sa tungkulin ng Punong Mahistrado.

Sa halip, hinimok ni Salvador ang taumbayan na pakinggan ang magiging pahayag ni Corona sa pagsalang nito sa impeachment court.

Naki-usap din ang Impeachment Watch ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa publiko na pakinggan ang magiging pahayag ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kanyang nakatakdang pagharap sa senado bilang Impeachment Court ngayong  Martes, Mayo 22.

Bagama’t hindi maiiwasan na salubungin ng batikos ang bawat kilos ng Punong Mahistrado, nararapat lamang bilang akusado na ipagtanggol nito ang kanyang sarili.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply