CJ Corona didikdikin sa dollar accounts

TINIYAK ni Sen. Franklin Drilon na didikdikin ng senator-judges si Chief Justice Renato Corona sa umano’y sikretong dollar accounts nito na nakadeposito sa limang bangko at umabot sa halagang $12 milyon alinsunod sa ibinulgar ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ani Drilon, ang mga dollar account na nabanggit sa testimonya ni Pascual Garcia, presidente ng PSBank ay dapat ipaliwanag ni Corona, gayundin ang mga sinasabing “unexplained wealth” nto.

Dapat din aniyang magbigay-linaw si Corona kung bakit maraming mga accounts na hindi nai-report sa kanyang SALN at kung bakit mukhang mas malaki ang kanyang yaman kaysa sa kanyang kinita.

“Well, foreign accounts are assets. And the SALN stands for statement of assets, liabilities and net worth; foreign account is an asset. The foreign currency deposit act cannot be used as a haven for the corrupt,” dagdag ng senador.

Ngunit, sinabi naman ni Drilon na hindi maaaring pilitin ng impeachment court si Corona na ibulgar ang nilalaman ng kanyang dollar accounts kung gagamitin niya ang kanyang karapatan sa ilalim ng Foreign Currency Deposit Act at temporary restraining order na ipinalabas ng Supreme Court.

Ipinaliwanag naman ni Drilon na hindi intensyon ng naturang batas na bigyan ng puwang ang nagnanakaw sa gobyerno na itago ang kanilang nakumlimbat sa dollar account at lagyan ng kalasag ang kanilang krimen.

“First, I don’t believe that the foreign currency deposit act should be a haven for the corrupt. That is never the intention of the law. So that, under the theory, you can steal money, that you can convert it into dollars, and put it in your foreign currency deposit and shield it under scrutiny. I don’t think that is the intention of the law,” aniya.

Hindi rin maaaring pilitin ng impeachment court si Corona na ibulgar ang kanyang secret dollar account kung gagamitin din niya ang kanyang karapatan laban sa self-incrimination.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply