CJ Corona hahatulan na ngayong araw

MATAPOS ang 43 araw na paglilitis, magbababa na ng hatol ngayong araw ang Senate Impeachment Court para malaman kung guilty o hindi si Chief Justice Renato Corona sa kinakaharap nitong impeachment case.

Mamayang hapon, isa-isa nang madidinig ng taumbayan ang boto at paliwanag ng mga senator-judge kaugnay ng kanilang magiging hatol.

Kinakailangan ng 16 na boto para mapatalsik sa puwesto ang punong mahistrado.

Matatandaang kahapon (Mayo 28) hiniling ni Senator-judge Tito Sotto na gawin na lamang ngayong araw ang pagbababa ng hatol kay Corona upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga senador na mapag-isipan at mapag-aralan ang kanilang magiging desisyon.

Sa kabuuang 43-araw na paglilitis lumagpas sa inilaang pondo ng Kamara ang kanilang ginastos sa impeachment ng punong mahistrado.

Sinabi ni House Committee on Accounts Chairman An-Waray Ppartylist Rep. Florencio Noel na umabot sa P5.7 milyon ang ginastos ng Kamara, lagpas sa P5 milyong budget na kanilang unang inilaan.

Malaking bahagi ng mga ginastos ng Kamara ay napunta sa pagkain, supplies at pagrenta sa ilang kagamitan pati na rin ang ilang pina-reimburse.

Ayon kay Noel, umabot sa P4.4 milyon sa mga ito ang na-liquidate at nangakong maglalabas din sila ng itemized na listahan ng gastos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply