CJ Corona handa at preparado– depensa

TINIYAK ng depensa na handa at preparado na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na harapin ang lahat ng alegasyon sa impeachment court kabilang ang dollar account na siyang tinutudla ng karamihan sa senador.

Sa panayam bago magsimula ang paglilitis kay Corona, sinabi ni Atty. Karen Jimeno na nagpulong kaninang umaga ang ilang de kalibreng abogado ng punong mahistrado upang paghandaan ang testimonya nito sa Senado.

“He is prepared for his defense, and yes (including the dollar account),” ayon kay Jimeno.

Ngunit, ayon kay Jimeno na wala silang nalalaman kung kailan ang eksaktong petsa na dadalo si Corona sa impeachment court.

“Mas maganda sana alam namin kung kailang siya tetestigo, but we really don’t know when,” giit niya.

Ayon pa kay Jimeno mas gusto ng depensa na maunang dumalo sa paglilitis ang ilang mga testigo bago ang punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply