CJ Corona hindi nag-iisa

HINDI yata nag-iisa si Corona sa pagtatago ng kayamanan, dolyar man o piso.

‘Yan ay kung totoong may itinatago siya.

Kapain natin, Suki, ang katotohanan.

Kapain natin ang mga prosecutor o tagausig sa kani-kanilang kalagayan.

Isama na natin ang kabuuang nasa 185 kongresman na pumirma para maimpits si Corona at ang iba pang humabol umano sa pagpirma.

Siyempre pa, isama na rin natin ang mga senador-huwes na huhusga sa kanyang kaso.

oOo

Bawat kongresman ay may P70 milyong pork barrel taon-taon at sa loob ng tatlong taon nilang panunungkulan, nasa P210M lahat ang  kanilang pork barrel.

Ang mga senador naman ay may P200M taon-taong pork barrel at sa loob ng tatlong taon, may P600M pork barrel sila.

Ang sabi ng mga kongresman at senador, walang iskam sa pork barrel.

Itinuturo lang umano nila ang mga proyekto na kanilang pinopondohan sa pamamagitan ng mga batas na nililikha nila para sa mga proyekto.

Peksman, walang iskam, sabi nila.

Derpor, wala silang itinatagong yaman.

Lalong wala silang nakaw na yaman na itinatago.

oOo

Pero naniniwala naman kaya si Juan sa kanilang mga pinagsasabi?

Wala yatang umupong kongresman at senador na hindi yumaman.

Pailan-ilan lamang sa mga ito ang walang pork barrel at sa kanila may bilib si Juan kung sinasabi nilang wala silang iskam.

Tiyak na paisa-isa rin ang hindi nagkakapera sa kanilang mga pork barrel.

Pero yung nakararami sa mga mambabatas na ito?

Patawarin sila ni Bathala. Har! Har! Har!

Dahil sa pork barrel, ang masasabi ni Juan, eh, ‘di nag-iisa si Corona.

Ano na ang susunod kung bukas ay ideklarang guilty si Corona ng mga senador-hukom sa impitsmen sa udyok ng mga kongresman-tagausig?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply