CJ Corona pwede magpasaklolo sa SC

MAAARI pang humingi ng saklolo sa Korte Suprema si Supreme Court Justice Renato Corona sakaling magkaroon ng problema sa pagkakaroon ng dollar account.

Ayon  kay defense panel spokesman, Atty Rico Quicho, bukas pa rin ang kanilang opsyon na dumulog sa Kataas-taasang Hukuman kung magpipilit ang Senate impeachment court sa pagkalkal sa foreign bank accounts ng chief magistrate.

Ipinaalala  ng defense lawyer na umiiral pa ang temporary restraining order ng Mataas na Hukuman tungkol sa mga dollar accounts.

Naniniwala rin ang abogado na kung hindi igagalang ng impeachment court ang TRO laban sa dollar account ay maituturing iyon na contemptuous act.

“So, kung sa pagkakataong ito ay hindi nila susundin ang temporary restraining order, matatawag po iyang contemptuous act sa senate impeachment court,” ayon kay Quicho.

Ang pahayag ni Atty Quicho noong May 20, 2012 ay kasunod nang pagtiyak na tatayo sa witness stand si Chief Justice Corona sa Martes, May 22 para sagutin ang mga bintang laban sa kanya ng 188 na kongresista.

Kasabay din nito ay hinikayat ng depensa ang mga senator-judge at maging ang publiko na huwag kaagad hatulan si Chief Justice  Corona habang hindi pa naririnig ang depensa ng Pinakamataas na Mahistrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply