CJ Renato Corona puro palusot – Fariñas

GAMIT ang kanyang powerPoint presentation ay inilahad ni Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas sa pamamagitan ng Tagalog na pananalita, bilang ikalawang speaker ng House prosecution panel ang kanyang mga argumento.

Nilinaw ng solon ang kanilang pagbatikos kay kay Corona ay hindi dahil sa personal na galit kundi dahil may nakita silang mga paglabag nito sa batas.

Umikot ang closing statement ni Farinas sa pagsasabing puro palusot na lamang ang ginawa ng punong mahistrado bilang pagpapaliwanag kung bakit hindi niya idineklara ng kanyang deposito sa bangko kabilang ang kanyang dollar accounts.

Inungkat ni Fariñas ang naging pahayag ni Corona nang humarap sa impeachment court kung saan sinabi niyang matagal na silang mag-asawa na nagdedeposito ng dolyar.

Magkagayunman, iginiit ng kongresista na kahit noon pang dekada 60 pinasok ni Corona ang pagbili ng dolyar ay hindi pa rin aniya makakaipon ng mahigit sa $2 milyon dahil ang exchange rate noon ay nasa $3.68 ang bawat isang piso.

At upang higit na makalusot ay isiningit aniya ni Corona na ang dahilan ng gustong pagpapatalsik sa kaniya ng administrasyonag Aquino ay ang pinakahuling desisyon ng SC sa Hacienda Luisita.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply