Claudine planong kasuhan ng tinalakang ground stewardess

KALOKA dahil may plano palang maghain ng harassment case ng kaanak ng ground stewardess na sinermunan at tilakan ever ni Claudine Barretto noong nakalipas na Linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa kay Ginang Elizabeth Bocboc, ang ina ng Cebu Pacific ground staff na si Cid Charisse, na hindi nila pinag-aral ang anak para lang murahin at bastusin nang ganun-ganon na lang.

Simula nang maganap ang talakan at dyombagan insident sa NAIA ay hindi na umano nakapasok ang kanyang anak dahil lagi umano itong balisa at iyak nang iyak.

Batay sa ulat, si Charisse at ang kasamahang si Kristine Ilagan ay pinagmumura ni Claudine nang ma-off load ang bagahe nito sa Caticlan Airport.

Una rito, nagpahayag ang Commission on Human Rights (CHR) na bukas sila sa anumang reklamo laban sa Kapuso star dahil hayagan umanong lumabag ang aktres sa karapatang pantao ng mga ground staff.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply