Claudine ilang beses sinugod sa ospital dahil sa kamao ni Raymart

SARI-SARING opinyon at reaksyon ang natatanggap namin araw-araw kaugnay sa nangyaring gulo sa NAIA domestic airport kung saan involve ang mag-asawang Raymart Santiago, Claudine Barretto at mga kasama versus Mon Tulfo. Maging sa internet ay ito pa rin ang top trending topic.

Sa nababasa namin sa iba’t ibang networking sites mas marami ang pumapabor sa broadcaster/columnist at sandamakmak naman ang napaplastikan sa mag-asawa. Kung pakikinggan ang mga sinasabi nila at ang kuno-kuno’y pagki-care nila sa isa’t isa animo’y larawan ng isang napakatahimik na pamilya ang pagsasama ng dalawa gayong ilang beses na raw silang naghiwalay.

Ayon kay Raymart, kahit sa lamok at langaw di raw niya pinadadapuan si Claudine, sa suntok at tadyak pa kaya ni Mr. Tulfo, kaya sobrang nanggigil daw siya sa huli at nasapok niya ito.

Well, ayon naman sa nakuha naming komento mula kay kulangot99, ito ang kanyang sabi: “Oh well, ito lang ang kaibahan nina Tulfo at Raymart. Kay Tulfo, lumalaban si Claudine pag nasaktan. Kay Raymart, HINDI!!! Just ask around a major government hospital in Project 4 QC., ilang beses na sinugod doon si Claudine sanhi ng bugbog at pilay dahil sa domestic violence.

“Common knowledge ‘to sa mga doktor at nurse roon. Ilang beses nang muntik maghiwalay ang mag-asawa dahil doon. Siguro iniisip ang career at endorsements. Lol. Nakatatawa nga si Raymart sa mga press conference n’ya e, dahil sya ang unang-unang dapat kasuhan ng serious physical injuries ng kanyang asawa.”

***

Enchong idol si Niño Muchlach

IDOL talaga ni Enchong Dee si Nino Muhlach. Kagaya ni Onin, gusto rin ni Enchong na makapagpatayo ng sariling gusali. Kaya puspusan na ang pag-iipon ng binata para sa ipatatayo niyang building sa Cubao area. Mukhang malapit-lapit na yata nitong simulan ang konstruksyon. Hindi naman daw niya ito titirhan kundi pauupahan.

***

Shaina may ibang lalaki

PATULOY na nagiging palaban ang karakter ni Shaina Magdayao sa kauna-unahang ‘OFW-serye’ sa Pilipinas, ang “Kung Ako’y Iiwan Mo.”

Matapos payagan ang asawang si Paul (Jake Cuenca) na makipagsapalaran sa ibang bansa, susubukin ang tatag ni Sarah (Shaina) sa kalupitan ng kanyang biyenan na si Elvie (Gloria Romero). Mula sa pag-aakusang mayroon siyang ibang lalaki, pilit pinagbibintang si Sarah na nilulustay ang perang pinapadala ni Paul.

Samantala, sa Doha, Qatar, kung saan nagtatrabaho si Paul muling magkukrus ang landas nila si Mia (Bang Garcia) na desididong gawin ang lahat, mabawi lamang ang dating kasintahan. Tuluyan na nga bang masisira ang pinaglabang relasyon nila Paul at Sarah dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila? Mahuhulog ba sa tukso si Paul? Paano na ang ipinagbubuntis ni Sarah? Huwag palampasin ang kuwento ng bawat OFW saan man sa mundo, “Kung Ako’y Iiwan Mo” pagkatapos ng “Mundo Man ay Magunaw” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbn.com sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply