Claudine, Raymart binigyan ng temporary protection ng korte vs Tulfo brothers

GINAWARAN ng Temporary Protection Order ng Quezon City Regional Trial Court ang showbiz couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barreto.

Kinumprima ngayon ni Atty . Alex Avisado ang ipinalabas na kautusan ni QRTC branch 219 Judge Bayani ukol sa hinihinging proteksyon ng mag-asawa laban sa magkakapatid na Raffy, Erwin at Ben Tulfo.

Ito’y pagpabor ng korte sa inihaing writ of Amparo with application of temporary Protection Order ng mga abogado ng mag-asawang Raymart at Claudine noong Mayo 11.

Sa utos ni Vargas pinagbabawalan ang magkakapatid na Raffy, Ben at Erwin Tulfo gayundin ang kanilang mga aides at securities na gawan ng karahasan ang mag-asawa pati na ang kanilang pamilya,

Pinagbawalan din ang tatlo na lumapit kina Claudine at Raymart sa loob ng 500 metro. ALEX CHING

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply