Clinton: US walang kinakampihan sa Scarborough issue

INIHAYAG ni US Secretary of State Hilary Clinton na walang kinakampihan ang Estados Unidos sa nagaganap na iringan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Panatag Shoal sa West Philippine Sea.

Mariin din anilang tinutulan ang paggamit ng puwersa upang maayos ang gusot ng dalawang bansa.

Sa isinagawang 2+2 meeting na dinaluhan nina Clinton, US Defense Secretary Leon Panetta, Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario at Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Washington DC, ay inihayag ng Amerika na dapat maresolba ang gusot sa mapayapang paraan.

“In this context, the US has been clear and consistent: while we do not take sides on the competing sovereignty claims to land features in the South China Sea, as a Pacific power, we have a national interest in freedom of navigation, the maintenance of peace and stability, respect for international law and the unimpeded lawful commerce across our sea lanes,” pahayag ni Clinton. “We oppose the threat or use of force by any party to advance its claims, and we remain in close contact with our ally, the Philippines.”

Ani Gazmin, siniguro naman ng Amerika na susuportaha nila ang Pinas sa oras na idulog na ang usapin sa international courts.

Samantala, sa naganap na meeting ay muli ring pinagtibay ng Amerika ang obligasyon nila sa ilalim ng US-Philippines Mutual Defense Treaty (MDT).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply