Closing argument ng depensa nagsimula na

SI Atty. Eduardo delos Angeles ang unang tagapagsalita ng Defense Panel ni Chief Justice Renato Corona.

Ipinagtanggol ni Angeles ang punong mahistrado sa mga banat ni lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr.

Sumentro ang argumento ni Angeles sa mga batayang batas sa pagdedeklara ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at ang dahilan kung bakit hindi obligasyon ng kanilang kliyente na idetalye ito, sang-ayon sa confidentiality rule.

Ani Angeles, Kongreso dapat ang gumawa ng batas na malinaw ukol sa isyu ng Foreign Currency Deposit Act (FCDA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply