Computer shop nilimas ng Bolt Cutter Gang

TINATAYANG mahigit P.1 milyon halaga ng mga computer unit ang nilimas ng mga hinihinalang miyembro ng bolt cutter gang nang sapilitang pasukin ang internet cafe makaraang pansamantalang iwanan ng tagapamahala kaninang umaga sa Muntinlupa City.

Tatlong oras lamang iniwan ni Luisito Lotina, 26, ang pinangangasiwaang Lesgow Internet Cafe’ sa 322 National Road, Alabang na pag-aari ng kanyang kapatid na si Nherwin upang umuwi muna sa kanilang bahay sa 347 Masville, Bgy. Sucat, Parañaque City nang pasukin ng mga kawatan at limasin ang mga computer na tinatayang mahigit sa P130,000.

Sa imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Par ng Investigation Unit ng Muntinlupa police, tiniyak ni Lotina na naikandado niya ang pintuan ng establisimiyento gamit ang tatlong padlock bago niya nilisan dakong alas-6 ng umaga.

Pero nang bumalik si Lotina pasado alas-9 ng umaga, nagulat na lamang siya nang makitang wala na ang tatlong kandado ng pintuan na hinihinalang winasak sa pamamagitan ng bolt cutter at wala na rin ang kanilang mga computer sa loob ng internet cafe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply