Concert ni Lady Gaga sa MOA babantayan

BABANTAYAN ng Pasay City kung susunod ang mga organizer ng concert ni Grammy award winner Lady Gaga sa mga patakaran at alituntunin na nakasaad sa ipinagkaloob nilang permiso para sa pagtatanghal nito sa The Arena ng SM Mall of Asia sa Linggo, Mayo 20.

Ang utos ni Mayor Antonio Calixto ay bunsod ng mga natanggap na reklamo ng ilang religious group kabilang ang mga opisyal at miyembro ng Biblemode Youth kaugnay sa anti-Kristong pag-awit ni Lady Gaga na napapanood sa internet.

Kanina ay nagtungo rin sa tanggapan ng alkalde sina dating Manila Mayor Lito Atienza at election lawyer Atty. Romulo Macalintal upang ibahagi ang kanilang pagkabahala sa posibleng hindi magandang idudulot sa kaisipan, damdamin at kultura ng mga Pinoy sa isasagawang concert ni Lady Gaga.

Ibinatay nina Atienza sa kanilang pagdadala ng liham at pakikipagpulong kay Calixto ang mga awit na tulad ng Judas ni Lady Gaga na lubhang kumplikado sa larangan ng pagtatanghal sa musika dahil may nakakasakit na salita ito sa damdamin ng mga Kristiyano.

Bukod dito, hindi rin umano disente sa paningin ang mga isinusuot ni Lady Gaga sa tuwing magsasagawa ng konsiyerto dahil halos kita na ang kanyang kaluluwa dahil ang mga maseselang parte lamang halos ang natatakpan.

Nagbanta naman si Calixto na kaagad niyang ipatitigil ang konsiyerto sa oras na makakita sila ng mga paglabag na nakasaad sa ipinagkaloob nilang permiso at hindi na rin nila papayagan pang magpatuloy ang concert sa susunod na araw.

Binuo ni Calixto ang walong miyembro ng grupo na pinamumunuan ng kanyang legal officer na magmo-monitor sa kabuuan ng konsiyerto upang matiyak na magiging maayos at hindi lalabag sa nakasaad sa ipinagkaloob na permiso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply