Concert ni Lady Gaga walang naging problema

MARIING ipinahayag ni Pasay City Mayor Antonio Calixto na walang naging problema sa 1st night ng concert ni Lady Gaga kagabi May 21.

Sa panayam kay Calixto, walang paglabag sa ibinigay ng permit sa unang gabi ng concert ni international singer Lady Gaga o (Stefani Joanne Angelina Germanotta).

Ipinabatid ito ni Pasay City Police Chief Senior Supt. Melchor Reyes na patuloy  ang kanilang ginagawang mahigpit na seguridad na pinairal sa kontrobersyal na concert ng Pop Diva.

Sinabi ni Reyes na dumistansya sa mismong venue ng concert ang mga ‘Anti-Lady Gaga at tinapos ng maayos at matahimik ang kanilang pagkilos.

Kaugnay nito, nagtalaga na ng 21-monitoring team ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa 2nd night ng concert ni Lady Gaga  mamayang gabi,  May 22.

Ayon kay Calixto, wala umano silang nakikitang masama sa awitin ng Pop Diva kay uuloy ang ikalawa at huling gabi ng concert ni international singer Lady Gaga mamayang gabi.

Sinabi pa ni  Mayor  Calixto naging  mapayapa ang unang gabi ng performance ng Pop Diva kagabi at base sa report nang binuo niyang monitoring team, walang nilabag na batas ang local producer ng show ni
Lady Gaga at maganda naman ang nasabing concert  sa SM Mall of Asia.

Binigyang diin pa ni Calixto na hindi nila maaaring supilin ang ‘freedom of expression’ ng mga nais manood ng concert ni Lady Gaga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply