Considered resigned

BAGO ang halalan ng 2001, kapag ang isang nanunungkulan ay tumakbo ng ibang posisyon, “considered resigned” na kapag pormal na siyang naghain ng kanyang kandidatura sa COMELEC. Halimbawa, ang isang incumbent na konsehal ay tumakbong vice mayor, “considered resigned” na siya bilang konsehal kapag nag-file na siya ng kandidatura bilang vice-mayor.

Binago ito, noong 2010, kahit iba na ang tinakbong posisyon, mananatili siya sa kaniyang puwesto o kaya’y kapag tumakbong Presidente ang isang senador at hindi pa tapos ang termino niya bilang senador, mananatili siyang senador at kung matalo bilang Presidente ay balik Senado siya.

May mga mungkahi na ibalik na lamang ang dating batas at “considered resigned” na ang isang nanunungkulan kapag tumakbo ng ibang posisyon. Katwiran nila na dapat patas ang batas sa “appointed” at “elected” officials. Bakit kapag appointed official at tumakbo sa halalan, pinagre-resign ito upang hindi magamit ang pwesto sa pangangampanya? Iba naman daw pag “elected” dahil may mandato siya ng taumbayan na magsilbi ng termino na kanyang sinumpaan at hindi dapat itakwil ang mandatong iyon. Pero ‘di ba’t ang politiko ang nais umalis sa puwesto para manilbihan sa iba namang posisyon?

Panahon na rin na dapat pag-usapan kung dapat panatilihin o baguhin ang batas tungkol dito. Naging usapin ang pagtakbo ni dating Pangulong Gloria

Macapagal-Arroyo bilang congressman sa Pampanga habang Presidente pa siya. Kung nanatili ang dating batas, “considered resigned” siya sana bilang Presidente.

O kaya naman hindi na siya tumakbo na congresswoman. Tuloy ginaya na ang estilong ito ng mga politiko na “one-step backward.” Ang mga barangay chairman na nakatapos ng termino ay tatakbong kagawad habang kapitan pa. Ang Mayor ay bababa na konsehal o vice mayor, habang mayor pa. Tuloy, nauso na ito at ang resulta nanatili pa rin sila sa poder.

Paano naman daw kung “considered resigned” e di bakante yung posisyon na iyon?

Hindi naman po dahil may batas naman na nagsasabi kung sino ang dapat humalili kapag nag-resign sa puwesto ang isang opisyal.

Maiiwasan din ang sobrang dami ng kandidato. Nangyayari kasi na dahil hindi naman considered resigned ang isang tumatakbo ng ibang posisyon. “Everything to gain, nothing to lose” sila. Pag natalo, balik lang sila sa dating puwesto. Kung “considered resigned” sila, mag-iisip muna sila bago tumakbo ng ibang posisyon dahil mawawala ang dating puwesto nila lalo na ngayon na maaga ng ilang buwan ang “period to file certificate of candidacy” ng mga kandidato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply