Consumers gagawing miyembro ng RTWPB

PINAG-AARALAN na ng regional tripartite wages and productivity boards (RTWPB) na gawing miyembro ang mga consumers.

Ayon kay National Wages and Productivity Commission (NWPC) Executive Director Ciriaco Lagunzad, nais nilang magkaroon ng kinatawan ang mga consumer sa wage board dahil sila ang direktang apektado ng minimum wage.

Aniya, ang mga ito ang nakaaalam kung sapat ba o hindi ang bagong rate na ilalabas na isang mahalagang bagay na dapat ikonsidera.

Bukod sa consumers, pinag-aaralan din nila ang posibilidad na maisama sa wage board ang kinatawan mula sa  Department of Agriculture (DA) at mga miyembro ng academe.

Ipinaliwanag ni Lagunzad na ang mga mula sa academe ay makapagbibigay ng mga paraang technical para sa pagbabatayan ng mga statistical data.

Habang ang DA naman ay mahalaga rin aniyang mabigyan ng kinatawan dahil ang minimum wage rates ay itinatakda ng RTWPBs para sa mga non-agriculture workers at agricultural workers.

Batay sa isinasaad ng Article 122 o ang Wage Rationalization Act ang bawat wage board ay dapat buuin ng Regional Director ng Department of Labor and Employment bilang chairman,  Regional Directors ng National Economic and Development Authority at Department of Trade and Industry bilang vice-chairmen at dalawang miyembro mula sa workers at employers sectors, na itatalaga ng Pangulo ng bansa.

Ang hakbang ng NWPC ay bahagi na rin ng kanilang layunin na mapalawig ang kapangyarihan ng RTWPBs para matugunan ng mas maayos ang pangangailangan ng mga manggagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply