Convoy ni CJ Corona patungo na sa Senado

NAKAALIS na ang convoy ni Chief Justice Renato Corona sa Supreme Court patungong Senado para sa kanyang pagharap sa impeachment trial ngayong hapon.

Kasama ng punong mahistrado ang kanyang may-bahay na si Ginang Cristina Corona.

Sumama naman ang mga tagasuporta ni Corona patungong Senado.

Kaninang alas-diyes ng umaga ay nagdaos muna ang mga tagasuporta ni Corona at mga empleyado ng Korte Suprema ng interfaith mass para sa punong mahistrado.

Samantala, una nang sinabi kahapon ng punong mahistrado na walang siyang kaba na nararamdaman sa pagharap niya sa impeachment court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply