Corazon a big disappointment!

IN A movie marathon, we happened to watch two Pinoy flicks na ngayon ay alam na namin ang dahilan kung bakit hindi kumita sa box office.

One is Moron 5, which one doesn’t need to be brilliant and intelligent to know that the movie was done in bad taste and the other one is “Corazon: Ang Unang Aswang”, na nakapu-frustrate dahil kapapanalo pa lang ni Derek Ramsay ng Box Office King category sa nakaraang Guillermo Awards.

We want to zero into Corazon which he leads dahil nanghihinayang kami sa kanyang pagiging Box Office King, hindi niya napanindigan ang kanyang korona because the said movie is an abysmal flop at kahit na sinong entertainment reporter ang tanungin namin ay nandidiri sa naturang movie.

His mediocre acting was also frustrating lalo na ru’n sa mga eksenang nagwawala siya dahil imbes na maging intense ang moviegoers, e, natawa na lang.

Now, his leading lady Erich Gonzales is no doubt, a beauty and visually pleasant pero hindi rin siya bagay to play the role of a bogeyman kahit na pinapangit siya to the extreme. Nakatatawa kasi ang kanyang mga eksena ru’n sa seryosong tinatakot niya ang mga kabataan para kainin ng buhay.

In short, nag-aksaya lang kami ng oras and these movies are not worth watching for.

-0-

UNLIKE other personalities na puro porma lang at kulang sa gawa, ibang-iba si PAO Chief Persida Acosta because indeed, she walks the talk. She really is consistent in her words and in her actions kaya naman mahal na mahal siya, hindi lang ng mga kapatid nating mga media men kundi pati na rin ng mga C, D, E crowd na direkta niyang natutulungan through her daily show “Public Atorni: Asunto o Areglo” and the government agency na kanyang hawak.

Don’t be surprised kung bakit puro positive elucidations ang laging ibinibigay ng mga kapatid natin sa panulat kay Atty. Acosta dahil ‘yon talaga ang totoo.

Recently, the modest PAO chief inked a MOA with the PMPC group na nagsasabing tutulungan ng kanyang ahensya ang bawat kapatid natin na mabibiktima ng injustice at kahit hindi member ng PMPC ay puwedeng mag-avail ng legal help makipag-coordinate lang sa PMPC president Roldan Castro.

This is a welcome act from Atty. Acosta kaya ang masasabi lang namin, may your tribe increase, mam!

For reactions, please  email mediatouch2000@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply