Corona binalaan sa cross examination ni Belmonte

BINALAAN na ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. si Chief Justice Renato Corona na paghandaan ang matinding cross-examination sa pagharap sa impeachment court.

Sa isang press conference, sinabi ni Belmonte na dapat nang asahan ni Corona na padadaanin siya sa butas ng karayom ng prosekusyon upang maharang ang posibilidad na mapawalang sala siya.

“He will be subjected to rigorous cross-examination. He can’t laugh off the charges filed against him.  It behooves him of his right to appear. He can be cross-examined and it’s going to be a wide-ranging cross examination,” ayon kay Belmonte.

Magkagayunman, siniguro rin ni Belmonte na hindi bababuyin ng prosekusyon si Corona bagkus ay paiiralin pa rin aniya ang paggalang sa dignidad ng punong mahistrado sa gitna ng cross-examination.

“Of course I’m sure he will be treated with dignity, there’s no question to it. None of the prosecutors would demean him,” sinabi pa ni Belmonte.

Samantala, duda si Belmonte sa posibilidad na madawit at makaladkad si Pangulong Noynoy Aquino sa pagharap ni corona sa paglilitis sa Senado.

Binigyang diin ni Belmonte na masyadong speculative ang nasabing balita.

Naniniwala ang House Speaker na kahit na buweltahan ni Corona ang pangulo bilang utak ng impeachment trial laban sa kanya, malinaw naman na nagmula ang reklamo sa Kamara na nilagdaan ng may 188 kongresista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply