‘Corona certified sinungaling’ – Morales

AGAD nagpalabas ng pahayag si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa ibinulgar na mga dahilan ni Chief Justice Renato Corona kung bakit tumestigo ito laban sa kanya sa impeachment court kanina.

Unang sinabi ni Corona na ilan sa nakikita niyang dahilan ng pagkadisgusto sa kanya ni Morales ay nang harangin niya ang malaking halaga na hinihingi ni Morales na retirement benefits, ang pagpapagamit sa Malakanyang at ang huli ay dahil sa sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa.

Ani Morales, unang-una ay wala siyang kinakausap hinggil sa retirement benefits at ang totoo ay sa halip na P1.5 milyon ang nakatakda niyang matanggap ay ginawa iyong P600,000 lamang ng punong mahistrado.

Never din aniya siyang nagpagamit sa Malakanyang at alam iyon ni Corona dahil siyam na taon din silang nagkasama sa trabaho.

Hindi rin aniya siya pabor sa pagkakahirang kay Corona bilang punong mahistrado ng Korte Suprema dahil ayon sa batas, dapat ay ang susunod na maluluklok bilang chief justice ay senior sa kanila na nagkataong ang kanyang pinsan na si Justice Antonio Carpio.

Dagdag pa ni Morales na walang mali sa kanyang mga sinabi sa impeachment court hinggil sa yaman ni Corona at handa siyang bumalik sa impeachment court upang patotohanan na tama ang kanyang mga sinabi.

“He is the certified liar” galit na sabi ni Morales.

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply