Corona di magiging state witness vs GMA- depensa

TINIYAK ng Defense panel na hindi magiging state witness si Chief Justice Renato Corona laban kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo gaya ng nilalaman ng mensaheng kumakalat sa social media tulad ng Facebook at Twitter.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Karen Jimeno, tagapagsalita ng depensa, na walang katotohanan ang kumakalat na mensahe sa social media site na dismayado si Corona sa pag-aabandona ng dating Pangulo sa kanya tulad nang ipinamumukha ng prosekusyon.

“Completely false rumors,” ayon kay Atty. Jimeno.

Nagkalat ngayon sa Facebook at Twitter ang mensaheng nagsasabing: “Corona laments abandonment by GMA, offers turn state witness.”

Nakasaad pa sa mensahe na: “Details in statement to be delivered in Tuesday when he faces Senate.”

Nitong nakalipas na Miyerkules, tiniyak ng defense team sa pamumuno ni dating associate justice Serafin Cuevas na nakatakdang tumestigo nang personal si Corona sa impeachment court sa darating Martes, Mayo 22, upang sagutin ang lahat ng paratang ng prosecution panel sa verified complaint na isinampa sa impeachment court.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply