Corona hindi na aapela sa Korte Suprema

HINDI na iaapela ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang desisyon ng Senate Impeachment Court.

Ayon sa kampo ng depensa saradong kabanata na ang impeachment case ni Corona.

“The decision of the Senate Impeachment Court is a close chapter. No more filing of appeal to the Supreme Court,” ayon kay defense counsel Rico Quicho.

Nito lamang nakalipas na Martes (Mayo 29), 20 senador ang bomoto para patalsikin si Corona.

Si Corona ay nananatiling nakaratay sa The Medical City Hospital matapos bumagsak ang kanyang blood sugar noong nakaraang linggo.

Ayon sa kanyang mga abogado, ngayong weekend ay lalabas na ang dating chief justice sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply