Corona hindi na makababawi– Angara

MALABO nang makabangon pa si Chief Justice Renato Corona matapos ang naging testimonya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kaugnay sa dollar account ng punong mahistrado.

Sa panayam, sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara, isa sa mga tagapagsalita ng prosekusyon na “it is definitely a knock down if it is not a knock out.”

Sa kanyang testimonya sa ika-38 araw ng impeachment trial, sinabi ni Morales na mahigit sa 80 transaksyon ang naganap sa dollar account ni Corona sa iba’t ibang bangko at mahigit sa $12 milyon ang diumano’y nakadeposit0ong dolyar ni Corona.

Samantala, tiwala si House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na walang inaabusong kapangyarihan si Ombudsman Morales nang ilabas nito sa impeachment ang report na isinumite sa kanyang tanggapan ni Vic Aquino ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ukol sa dollar accounts ng punong mahistrado.

“Ako naniniwalang wala (pag-abuso),” ani Belmonte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply