Corona ‘di na morally fit sa pwesto– Tupas

HINDI na “morally fit” si Chief Justice Renato Corona para manatili pa bilang punong mahistrado ng kataas-taasang hukuman ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas.

Ayon kay Tupas, bagama’t natapos na ang hatol sa puong mahistrado, lumabas na nagsinungaling si Chief Justice sa usapin ng mga pag-aari nito upang maitago ang mga yaman nito.

Maliban dito, bingyang diin ni Tupas na mismong si Corona na nanggaling na mayroon itong P80 milyon at $2.4 milyon na bank deposits
na hindi nito idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Binigyang diin ni Tupas na sinira ng punong mahistrado ang tiwala ng taumbayan na umabuso din sa kapangyarihan nito para mapagtakpan  ang mga naging paglabag nito sa batas.

Dalawampung (20) senator-judges ang bumoto na nagkasala ang punong mahistrado sa ilalim ng Article 2 ng impeachment complaint o hindi
pagsasapubliko at hindi tamang deklarasyon sa kanyang SALN.

Kabilang sa mga bomoto ng guilty ay sina Senator-judge Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Franklin Drilon, Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, Teofisto “TG” Guingona III, Gringo Honasan, Panfilo “Ping” Lacson, Lito Lapid, Loren Legarda, Sergio Osmeña III, Francis “Kiko” Pangilinan, Aquilino “Koko” Pimentel III, Ralph Recto, Ramon “Bong” Revilla Jr., Vicente “Tito” Sotto III, Antonio Trillanes IV, Manny Villar at Presiding Officer Juan Ponce-Enrile.

Tatlo lamang ang naniniwalang not guilty ang punong mahistrado na kinabibilangan nina Senador Joker Arroyo, Miriam Defensor-Santiago at Bongbong Marcos.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply