Corona di tiyak na makadadalo sa impeachment hearing mamaya

DAHIL hindi pa bumubuti ang kalagayan, hindi pa matiyak kung makadadalo si Supreme Court chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng impeachment hearing mamayang hapon.

Ayon kay  Defense lawyer Tranquil Salvador, pasado ala-una kanina nang madaling araw nang isugod si Corona sa  Intensive Care Unit ng Medical City dahil sa hindi magandang pakiramdam nito matapos ang tatlongf oras na pagsasalita sa impeachment hearing nong Martes Mayo 22.

Inihayag naman ni Supreme Court administrator Midas Marquez na nanatili sa nasabing ospital ang Punong Mahistrado dahil hindi pa bumubuti ang pakiramdam nito kahit ilang oras nang tapos ang impeachment hearing.

Sa kabila nito, sinabi ni Marquez na tiniyak ni Corona na dadalo siya sa pagdinig basta makakuha siya ng  clearance mula sa kanyang mga doctor.

Ayon kay Marquez, bagamat grogy si Corona nang magkausap sila kagabi ay determinado itong  bumalik sa senado para sa pagpapatuloy ng impeachment trial.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply