Corona hahatulan sa Martes, Mayo 29

INIHAYAG ni Senador Edgardo Angara na nakatakda nang hatulan ng impeachment court si Chief Justice Renato Corona sa Martes, Mayo 29, kahit dumalo o hindi ang punong mahistrado para sa cross examination.

“If the medical bulletin is true, he is now asking again a 48 hours excuse which falls on Friday, effectively he is asking until Monday because there would be no sessions on Saturday and Sunday, which he will be subjected to a cross examination,” paliwanag ni Angara.

Pagkatapos ng cross examination, sinabi ni Angara na diringgin naman ng impeachment court ang kabuuan ng presentasyon ng magkabilang partido, depensa at prosekusyon, at saka sila magbobotohan kung guilty o hindi ang punong mahistrado.

“Our original deadline is on Tuesday, our voting day. We should meet our deadline which was agreed and approved in previous caucus,” paliwanag ni Angara.

Sinabi ni Angara na kapag nabigong bumalik si Corona sa itinakdang panahon ng korte para sa cross examination, walang magagawa ang Senado kundi magbotohan at babalewalain ang kanyang testimonya.

“It has no weight, it will have no probative value,” giit ni Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply