Corona hindi pinayagang dumalo sa impeachment trial

HINDI pinayagan ng mga  doktor  si Chief Justice Renato Corona na dumalo sa  pagpapatuloy ng  impeachment trial  dahil sa  masamang kalagayan  ng kanyang kalusugan.

Sa ginanap na pulong balitaan na isinagawa sa Medical city, sinabi ni Dr. Eugenio Jose Ramos na kailangan munang manatili sa Intensive Care Unit si Corona dahil oobserbahan pa ito ng 48 hours matapos ang heart
attack.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Ramos na inimbitahan na nila ang mga doctor ng Senado para mapag-usapan ang kalagayan ni Corona upang mapaliwanag ang publiko na wala silang itinatago sa tunay na kalagayan ng chief justice.

Binigyang diin din ni Ramos na kailangan din nilang limitahan ang mga taong bibisita kay Corona sa ICU.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply