Corona inireklamo ng illegal transfer of plate

KINUMPIRMA ngayon ng hepe ng Highway Patrol Group na  inirereklamo ng isang sibilyan si Chief Justice Renato Corona ng illegal transfer of plate makaraang makita ang kanyang plate number sa sasakyan ng punong mahistrado matapos maipakita sa telebisyon makaraan ang impeachment trial nitong nakaraang Martes.

Nabatid na isang Bonifacio Gomez Jr., ang lumapit sa awtoridad upang ireklamo ang insidente laban kay Corona.

Ani Gomez, nitong Martes, makaraang mapagbintangang nag-walkout ang punong mahistrado matapos magbigay ng pahayag sa impeachment trial ay kanyang nakita ang kanyang plate number na ZEE 868 na nakakabit sa sasakyan ni Corona.

Dagdag pa ni Gomez na ang nasabing plate number ay kanyang pag-aari at nakakabit sa kanyang sasakyan na Mitsubishi FB L300 model 2006.

Agad namang sinundan ngayon sa The Medical City ang convoy ni Corona para kumpirmahin ang nasabing reklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply