Corona itinuturing na high risk patient

ITINUTURING na high risk patient si Chief Justice Renato Corona dahil dalawang ulit na itong sumailalim sa heart bypass noong 1995 at 2008.

Bukod dito, 20 taon na ring iniinda ng punong mahistrado ang kanyang sakit na diabetes.

Sa ipinalabas na medical bulletin ng The Medical City kaninang umaga, sinabi na maaaring nakararanas ng acute coronary syndrome o heart attack ang punong mahistrado at bumaba rin ang Troponin-T level nito.

Ayon sa mga doktor dapat na manatili sa intensive care unit (ICU) ang punong mahistrado sa loob 48 oras upang mabantayan ang kalagayan nito at dahil sa posibilidad ng atake sa puso.

Hindi rin normal ang kondisyon ng puso ni Corona ngunit hindi naman kailangang maoperahan.

Pinayuhan din ang punong mahistrado na huwag nang dumalo sa paglilitis ngayong hapon.

Kagabi (Mayo 22), pagkagaling sa Senado ay dumiretso sa naturang ospital ang convoy ng punong mahistrado makaraang bumaba ang sugar level nito. Dakong ala-una ng madaling araw ng ipasok siya sa intensive care unit (ICU) ng magkaroon ng heart attack.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply