Corona kay Enrile: Kaya ko po!

TINIYAK ni Chief Justice Renato Corona na kakayanin niya ang pagtatanong ng ilang senator-judges hinggil sa clarificatory questions hinggil sa dollar account na hindi itinala sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ginawa ito ni Corona matapos tanungin ni Senate President Juan Ponce Enrile ang punong mahistrado kung kakayanin nito ang ‘stressful deliberations’ na magaganap sa pagpapatuloy ng paglilitis sa chief magistrate.

“Magandnag hapon sa inyong lahat na ako ay pumarito na labag sa kagustuan ng aking mga doctor and against my better judgment to come. Nasa puso ko ang obligasyon ko na magpaliwanag sa ating bayan, kasi lahat ng binasa kong notes noong Miyerkules may dalawang pahina pa akong hindi nabasa doon sa TRO at FASSAF, sa pangyayari, unti-unti kong naradamaman ang pagbagsak ng aking blood sugar dahil diabetiko ako since 1986, pangalawa o pangatlo na bumagsak ang aking blood sugar, para sa mga diabetes, pati ang miyembro ng pamilya na may diabetes, maiintindihan nila na isang indikasyon po ng hypoglycemia,” paliwanag ni Corona.

Ayon kay Corona, kailangan mailagay sa records ng Senado kung kakayanin ni Corona, pisikal at mental ang pagliltiis dahil natanggap nila ng pahayag ng kanyang mga doktor na nakararanas ito ng pagbagsak ng blood sugar na siyang nagpapahina sa kalusugan ng punong mahistrado.

Iginiit ng punong mahistrado na kahit na nanghihina siya ay kanyang kakayanin na sumalang sa witness stand.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply