Corona mahahatulan na next week – Sotto

TINIYAK ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na mahahatulan si Chief Justice Renato Corona sa susunod na linggo pagkatapos humarap sa impeachment court kaya masusunod ang deadline na itinakda ni Senate President Juan Ponce Enrile sa Mayo 31.

“Maybe next week will be the real beach head. Tamang-tama ito, kung May 31 ang deadline, kumbaga pasok sa banga ang schedule,” ayon kay Sotto pagkatapos ng impeachment trial ngayong araw.

Sinabi pa ni Sotto na sakaling humarap si Corona sa impeachment court sa susunod na linggo, bibigyan ng ilang araw ang lahat ng panel kabilang ang mga senador na rebyuhin ang argument at trial briefs kabilang ang records at journal ng korte at pangyayari sa buong proseso.

“After Corona’s testimony, if ever, we will buckle down to work, review our trial briefs, the events that transpired, the records and journals, we have to glance back in able to come up with an intelligent decision,” giit ni Sotto.

Bibigyan din ng sapat na panahon ang bawat senador sa deliberasyon at pagsusuri sa mga dokumento upang makapagdesisyon ng kanilang boto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply