Corona naghahanap lang ng damay — Llamas

NAGHAHANAP na lamang umano ng damay si Supreme Court Chief Justice Renato Corona nang banggitin nito ang pangalan ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas sa impeachment trial.

Sinabi ni Sec. Llamas na nasukol na kasi si Corona sa kasong kanyang kinahaharap kaya’t naghanap na agad ito ng damay. “Corona is just looking for someone else to blame,” ang diing pahayag ni Llamas.

Pinalagan nito ang alegasyon ni Corona na kasabwat siya sa pagpapa-impeach sa punong mahistrado.

Sa kabilang dako, sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na kailangan lamang na bumalik ni Corona sa witness stand at payagan ang prosekusyon at senator-judges na siya ay ma-cross-examined upang sa gayon ay lumabas ang totoo at hindi mapako sa sarili niyang bersyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply