Corona posibleng di na pahaharapin ng depensa

MATAPOS humarap si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa impeachment court, nangangamba ngayon ang prosekusyon na hindi na paharapin ng depensa si Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos ilantad ni Carpio-Morales ang mga dokumentong isinumite ng Anti-Money Laundering Council (AMLC)sa Ombudsman na naglalaman ng ulat ukol sa $10 milyon dollar account ni Corona.

Sinabi ni prosecution spokesman Erin Tañada na mistulang sumabog sa mukha ng depensa ang inilabas na dokumento ni Morales mula sa AMLC na nagsasabing mayroong 705  foreign  currency transactions si Corona mula sa Philippine Saving bank (PSbank).

Ito ang dahilan ayon kay Tañada upang lalong lumabo ang tsansa na iharap pa ng depensa si Corona at maisapubliko ang nilalaman ng mga dokumento na inilabas ng Ombudsman.

Nagkaroon ngayon ng agam-agam si Tanada na posibleng mahigit pa sa $10 milyon ang laman nito dahil na rin sa hindi paglalagay ni Corona nito sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Naniniwala naman si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na miyembro rin ng prosecution panel, na “wrong move” aniya ang ginawa ng depensa na pagpiprisinta kay Morales dahil lalo lang aniyang nadiin si Corona.

Samantala, pinag-aaralan naman ng depensa na magpatawag ng kinatawan mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC)upang tumestigo kaugnay sa inilabas na dokumento ni Morales.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply