Corona supalpal na naman sa Malakanyang

SINUPALPAL ng Malakanyang si Chief Justice Renato Corona sa naging pahayag nito na mapapawalang-sala siya sa impeachment trial na patuloy na dinidinig sa Senado.

“We should just wait for the verdict,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte bilang tugon sa naging mensahe ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na mapapawalang-sala siya sa nasabing paglilitis.

Nakatakda namang umupo sa witness stand si Corona sa susunod na Martes, Mayo 21.

Sa ulat, naniniwala ang chief magistrate na lalabas din ang totoo at maaabswelto siya sa kasong isinampa laban sa kanya.

Sa kabilang dako, sinabi ng opisyal na kailangan niyang paghandaan ngayon pa lamang ang panibagong impeachment na posibleng isampa laban sa kanya batay na rin sa isiniwalat ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nang umalo sa pagdinig nitong unang linggo.

“After CJ’s testimony on Tuesday, he will come out clean. We hope that the truth would be enough to set him free,” ayon kay Atty. Dennis Manalo.

Sinabi naman ni Defense counsel Jose Roy III na wala silang balak na i-coach si Corona sa gagawin nitong paghahanda sa kanyang magiging testimonya.

Wala ring ibinigay na kahit na anumang hint ang mga ito kung papaano tutugunan ni Corona ang alegasyong isinampa laban sa kanya partikular na ang alegasyon ni Morales na may 82 dollar accounts ang Chief Justice sa ilang bangko na may “transactional balance” na nagkakahalaga ng $10 million, na nakakalat sa limang bangko simula pa noong nakaraang taon base sa rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Samantala, sinabi naman ni Corona na patuloy niyang ipaglalaban ang kapakanan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply