Corona tagilid sa pagkambiyo sa taktika

HALATANG papalapit na ang pagtatapos ng impeachment trial sa Senado dahil ang pinakaaabangang pagtestimonya ni Chief Justice Renato Corona ay posibleng maganap magsimula umano sa araw na ito.

Halatang nag-iba ng taktika ang depensa sa nangyaring boluntaryo nitong pagtutulak kay CJ Corona sa Impeachment Court at sasabihin na raw nito ang tungkol sa misteryosong dollar account.

Ang $10 milyong account ni Corona ang siyang kinukuwestiyon ng prosekusyon dahil isa ito sa mga hindi idineklara umano ng Punong Mahistrado sa kanyang SALN.

Sugal ang ginawang ito ng Corona camp dahil ito rin ang magbubukas ng linya para sa iba pa nitong ari-arian at iba pang anomalyang kinasasangkutan umano ng Chief Justice.

Mahirap basahin ang kahihinatnan ng naturang kaganapan pero isa lang ang tiyak, malapit na ang paghuhusga kay Corona, na alam naman nating puno ng kabuktutan.

###

Dapat lamang na magkaisa ang lahat ng Pinoy sa mundo laban sa mapanupil na Gobyernong Intsik.

Hindi na kasi tama ang ginagawa ngayon ng naturang pamahalaang dahil halatang binubuli o dinuduro na nila ang Pilipinas.

Porke ba maliit ang Pinas at wala itong kakayahang lumaban ng sabayan dahil sa kawalan ng resources ay duduruin mo na ito.

Sa usapin ng pakikipagrelasyon, maling-mali ang ginagawang ito ng China at iyan ang posibleng maging katapusan nila dahil ang simpatiya ng buong mundo maging maliit o malaki mang bansa ay nasa panig natin.

Iyan ang sitwasyon ngayon ng mga Intsik dahil tiyak na malapit na rin silang husgahan ng kasaysayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply