Corona trial itutuloy sa Lunes

IPAGPAPATULOY na sa Lunes, Mayo 7 ang paglilitis sa impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona kasabay nang pagbabalik ng sesyon ng Senado matapos ang anim na linggong bakasyon.

Sa ngayon, wala pa ring katiyakan kung haharap si Corona at asawa nito na si Cristina sa paglilitis bilang mga testigo.

Ayon kay Atty. Karen Jimeno, tagapagsalita ng depensa, nasa sampung testigo pa ang kanilang ihaharap sa pagpapatuloy ng paglilitis.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang prosekusyon sa pag-cross examine sa mga testigo ng depensa kabilang ang dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza na sasalang muli sa witness stand sa Lunes.

Samantala, umaasa naman si Senate President Juan Ponce-Enrile na makapagbibigay na ng hatol ang Senate Impeachment Court bago ma-adjourn ang 15th Congress sa Hunyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply