Court employees full-force kay CJ Corona

MUKHANG hindi magkakaroon ng sesyon sa maraming korte sa Maynila matapos dumalo sa impeachment trial ang maraming court officials at employees bilang suporta kay Chief Justice Renato C. Corona.

Pagdating ni Corona sa Senado dakong 1:30 p.m. nitong Martes, natunghayan ng www.remate.ph na maraming tauhan ng korte ang nakasunod kay Corona kabilang ang ilang clerk of court sa Metropolitan Trial Court na nakasuot ng pulang vest.

Kasama ni Corona ang kanyang kabiyak na si Cristina at ilang security forces ng Supreme Court.

“Nandito kami upang suportahan ang aming chief justice,” ayon sa isang clerk of court na ayaw magpakilala baka balikan siya ng administrasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply