Court Holiday sa Mayo 22, ikinakasa ng mga empleyado ng korte

IKINAKASA ng mga empleyado ng korte na magsagawa ng Court Holiday sa Martes, Mayo 22.

Sa Martes nakatakdang humarap sa witness stand  si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial sa Senado.

Sinabi ni Jojo Guerrero, Pangulo ng Supreme Court Employees Association, na isang motorcade ang isasagawa nila sa Martes bilang suporta sa Punong Mahistrado.

Ayon naman kay Atty. Tranquil Salvador, spokesman ng kampo ni Corona, isa-isang sasagutin ni Corona ang mga ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales hinggil sa umanoy’ $12 milyon pera nito na nakalagak sa iba’t ibang bangko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply