Cuello, dedepensa ng titulo sa Mexico

DEDEPENSA ang Filipino boxer Denver Cuello sa Mexico at dumating na nga ito roon kanina para sa  World Boxing Council straw weight silver championship kontra challenger Ganigan Lopez sa Linggo na idaraos sa Palengke dela Ferias sa Guanajuato.

Iniulat ng Philboxing na umaasa ang WBC na panonoorin ito ng may 3,000 boxing fans.

Kumpiyansa naman si Cuello na magagawa niyang mapanatili ang kanyang titulo at sinabi pang, “I will knock him out.”

“(Lopez) has great speed, but without power,” ayon naman kay Cuello. “I’m fast, and I have great power in my fists so I hope I can win this fight before the 12th round.”

Si Cuello ay may hawak na ring record na 30 wins, apat na talo at 6 na tabla, na ang 20 panalo ay buhat sa knockout. Kagagaling lang niya sa unang round knockout victory laban kay Carlos Perez noong Oktubre 2011 na idinaos sa Mexico.

Ang panalo laban kay Perez ay ika-9 na panalo ni Cuello.

“I want to become a world champion, and Ganigan Lopez won’t get in my way,” ani Cuello.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply