Cuevas: Corona dadalo sa impeachment trial bukas

TINIYAK ngayon ni dating associate justice at lead defense counsel Serafin Cueva na dadalo si Chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng paglilitis sa impeachment trial bukas (Biyernes, Mayo 25).

Ayon kay Cuevas, bagama’t tutol ang pamilya ni Corona na dumalo ito sa impeachment court, hinimok umano niya ang punong mahistrado na dumalo sa naudlot na pagdinig sa Senado.

Sinabi pa ni Cuevas na napapahiya na umano sila sa mga senator-judges dahil sa biglaang pag-alis ni Corona matapos ang kanyang opening statement sa impeachment court nitong Martes.

Hihingi rin umano si Cuevas ng medical certificate sa mga doktor sa Medial City sa Pasig para sa tunay na kalagayan ni Chief Justice na
kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa naturang pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply