DA makikipagpulong sa China

MAKIKIPAGPULONG ang ilang kinatawan ng Department of Agriculture (DA) sa Chinese authority hinggil sa paghihigpit ng China sa mga prutas na nagmumula sa Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Plant Industry director Clarito Baron, kanilang ipakikita sa China na sumusunod sa quarantine protocol sa mga produkto ang Pinas.

Nagpadala ang DA ng mga kinatawan sa China makaraang magpatupad ito ng full inspection sa mga shipment ng prutas na galing sa Pinas na kanilang idineklarang kontaminado.

Samantala, sinabi ni Sen. Francis Pangilinan ng Senate committee on food and agriculture na hindi malaking kawalan sa Pinas ang pagtanggi ng China na bilhin ang saging na galing sa bansa.

Ani Pangilinan, makahahaap ang bansa ng alternatibong bansa na maaaring bumili sa ating mga saging.

Bukod aniya sa South Korea at Japan, maaaring ibenta ang naturang prutas sa Russia at sa maraming bansa sa Gitnang Silangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply