Dahil sa mana: Yaman ni PNoy lumago pa

DAHIL sa pamana na natanggap nilang magkakapatid ay nadagdagan ang personal net worth ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon sa Pangulong Aquino, hindi niya masasabi kung magkano ang kanyang  net worth dahil hindi naman niya dala ang kopya ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2011 na kanyang isinumite noong Abril April 24.

“Baka magkamali ako, hindi ko dala ‘yung kopya ko eh at ma-question pa ninyo ako,” ayon kay Pangulong Aquino sabay sabing “There is an increase and the increase primarily is because of the inheritance that I got from both my father and my mother which were finalized in 2011.”

Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang bahay niya sa  Times Street, Quezon City, na pag-aari ng kanyang mga magulang na sina namayapang dating Senator Benigno Aquino Jr at dating Pangulong Corazon Aquino.

“Medyo may mga parang binayaran ‘yung lahat ng inheritance taxes, ‘yung hinati-hati sa aming magkakapatid that will show an increase in the net worth.” My sisters have decided to bequeath their portions to me also. So whereas last year I owned parang a portion, a share of one out of five. Ngayon, parang five-fifths or the entirety is my property and my responsibility,” ayon kay Pangulong Aquino.

Idineklara ni Pangulong Aquino ang kanyang net worth noong 2010 na P50.194 million at umabot naman sa P54.999 million sa kanyang SALN na isinumite nitong Abril 2011.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ang kopya ng SALN ng Pangulo Aquino at ng iba pang cabinet officials ay maaaring hingin sa pamamagitan ng Malacañang Records Office, ang opisyal na custodian ng mga dokumento sa Malakanyang.

Subalit, sinabi naman ng isang staff sa records office na ang Tanggapan ng Ombudsman ang magsasa-publiko ng SALN ni PNoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply