Dalaga, ginahasa’t pinatay, bangkay itinapon sa fish pond

PATAY na nang lumutang ang 20-anyos na dalaga sa isang fish pond sa Padada, Davao del Sur kanina.

Kinilala ang biktima na si Vanessa de Guzman, 20, ng Purok 1, Brgy. Palili, Davao Del Sur.

Sa imbestigasyon, pinaniniwalaang ginahasa muna ang dalaga bago pinatay at itinapon ang bangkay nito sa fishpond sa karatig na barangay dahil wala na itong pang-ibabang saplot nang matagpuan.

Nabatid na alas-10 ng umaga nang ireport sa awtoridad ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng may kagagawan sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply