Dalagang ina pinilahan ng 3 lalaki

ISANG dalagang ina ang halinhinang ginahasa nang tatlong kalalakihan sa isang bayan sa lalawigan ng Aklan.

Nabatid sa biktima na si Michelle (hindi tunay na pangalan), 22, na 13 beses umano siyang hinalay ng tatlong hindi nakilalang kalalakihan sa isang pribadong resort.

Isinalaysay ni Michelle na hinarang siya ng mga nasabing lalaki nang gabing siya ay pauwi mula sa pinuntahang okasyon.

Kinaladkad umano siya pasakay sa isang tricycle at dinala sa isang pribadong resort matapos sapilitang isinakay sa isang bangka.

Ayon sa biktima, hinimatay siya matapos saktan at tinalian sa paa upang halinhinang gahasain ng tatlong mga lalaki na nasa edad 34 hanggang 37-anyos, may taas na 5’4” hanggang 5’7” at armado ng baril.

Hindi pa umano nakuntento ang mga suspek at kinuha pa ang kanyang cellphone makaraang ihatid siya sa bahay na kanyang pinagtatrabahuhan.

Hinala pa ni Michelle na nadamay lamang siya dahil ang inaalagaang bata umano ang target na kidnapin ng mga suspek na tauhan ng isang kilalang pamilya sa kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply